Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget

Monday, October 21, 2013

Paano Ba Sagutin ang Objection Na 'to '' WALA AKONG PERA! ''





Wala nga bang pera or Palusot lang?
Seguro na encounter mo na rin ang rason na'to sa isa sa mga prospects mo.

Una parang super excited akala kasi FREE lang. Tapos pag na present mo na ang buong video presentation biglang sabi '' Wala Akong Pera ''


Paano mo ngayon e handle yan?

Eto ang sagot d’yan:

Weehh !! 'di nga, “Seryoso? Wala kang talagang pera!? Yang itsura mong yan wala kang pera?” Pero ‘pag gimik at inuman may pera ka, Tapos pag may bagong labas na iPhone bigla kang nakakabili. May paista-star bucks ka pa wala ka naman palang pera!!!”
Biro lang, yan ang wag na wag mong sasabihin, baka magagalit pa sayo at e block ka sa friendslist nya.

May dalawa lang klase ng prospects ang magsasabi sayo ng ganitong sagot.Una yung wala talagang ka pera pera at yung isa ay nagpapalusot lang. Di nila masabi ng diretso na ayaw nila kaya kunware ganito ang kanyang sasabihin.

70-80% ng mga prospects mo na nagsabi ng ganitong objection ay mga nagpapalusot lang. Oo totoo! (Pwera na lang kung ang mga ini-invite mo sa BOM n’yo ay puros mga pulubi sa kalye. Yun talaga, magsasabi lahat yun ng totoo kasi wala talaga silang pera.)

I don’t really consider this an objection, Bakit?... Subukan mong magpunta sa mga urban na lugar at mga slum area. Makikita mo dun madaming hirap at walang pera. Pero wag ka, wala silang pera pero ang lalaki ng TV n’yan sa bahay. Naka cable pa. At ang malupit kapag may birthday, ang handaan bonggang-bongga.

Ibig sabihin, kahit anong bagay pa yan “kapag gusto magagawan ng paraan, kapag ayaw, makakaimbento ng dahilan.”

Madalas palusot lang itong objection na ‘to. This is an easy way out. Madalas mong matatanggap ang ganitong klase ng objection kung hindi mo kina-qualify at sino-sort out ng maige yung mga prospects na kinakausap mo.

Para ma-handle mo ng tama ang objection na ‘to, kaylangan mo lang alamin kung nagpapalusot lang ba ang prospect mo o nagsasabi ba s’ya talaga ng totoo.

Dahil ang realidad ay pwede mong sabihin sa prospect mo ang lahat ng paraan para makapag start sila ng kanilang business at kung paano sila makakapag raise ng pang invest. Pero ang tagning mga gagawa lang ng aksyon ay yung mga tao na nakita yung bigger picture ng network marketing.

Ang matutulungan mo lang talaga ay yung mga interesado at yung talagang desedido.Dahil kapag palusot lang nila yung kanilang sinasabi kahit puputi pa ang uwak hindi yan makakahanap ng solusyon.


Thank You for Sticking Around , Come back anytime!

Hi Friend, My name is Rodel Peralta. I am working as an Analyst/Programmer during the day and also a part time blogger. After work or during my free time, I do online business and I also teach people online on how they can earn extra income while using the internet or facebook at the comfort of their homes together with my online team.

Yes! You can earn extra income while using the internet even when you have your job or very busy. I am doing it and earning an additional income while I'm still working on my job!

Can you imagine working and making money 100% from homeand enjoying a lot of your time with your family at the same time?

0 comments:

Post a Comment